Limang Paraan Upang Maging Mabuting Mamamayan
Ang pagiging isang mabuting mamamayan ay isang magandang katangian na dapat taglayin ng lahat ng mga tao.Napakahalaga ng pagiging mabuti bilang isang mamamayan upang mapabuti at makapamuhay ka ng naayon sa iyong kagustuhan.Ang mabuting mamamayan ay aktibong nakikibahagi sa kanilang pamayanan upang mapagbuti ang mga kondisyon ng kanilang kapwa mamamayan.
Ngunit sa isang pamayanan ay mayroon pa ring mga tao na hindi sumusunod sa mga dapat gawin sa isang pamayanan lalo na yong mga walang alam sa kahalagahan ng pagiging mabuting mamamayan.Narito ang Limang Paraan Upang Maging Mabuting Mamamayan.
Upang maging mabuting mamamayan ay kailangan mating sumunod sa mga batas dahil ito'y para sa ating kapakanan at kaligtasan.Ginawa ang batas Upang maging payapa ang ating pamayanan kaya tungkulin nating sundin ito.Pinipigilan ng batas na abusuhin ang ating mga karapatan.Sinisiguro into na ligtas tayong maninirahan nang walang takot at patuloy nating itataguyod ang buhay nang walang inaapakang tao.Dahil dito,nararapat lang na kilalanin ng tao ang batas at taos-pusong sundin ito.
2.Alagaan ang iyong kapaligiran.
Ang kalikasan ay ang lahat nang ating nakikitang natural sa ating paligid.Kabilang dito ay ang mga halalaman,hayop,mga katawang tubing,bulkan at mga bundok.Upang maging mabuting mamamayan ay nararapat lamang na pangalagaan natin ang ating kalikasan dahil sa kalikasan nagmumula ang ating pagkain at iba pang mga pangangailangan natin.Upang mapalagaan ito ay dapat itapon natin ang mga basura sa tamang lagayan at sa tamang uri ng basura kung ito ba ay nabubulok,di-nabubulok,o di kaya ay magagamit pa,Iwasan din nating pumutol ng mga puno at pagtapon ng basura sa mga anyong tubig,makibahagi sa proyekto ng pamayanan na layong pangalagaan at protektahan ang ating kalikasan,at marami pang maliliit na bagay na maaring gawin upang mapangalagaan ang kapaligiran.
Upang maging mabuting mamamayan ay dapat maging mabuti tayo sa ating kapwa at para kapag tayo naman ang nangangailangan sila rin ang gagawa ng mabuti sa atin at kapag gagawa ka ng mabuti sa kapwa ay maari lang mamuhay nang matiwasay at malayo sa gulo.4.Respetuhin ang karapatan ng iba.
Isa sa tungkulin na dapat gampanan upang maging mabuting mamamayan ay dapat igalang natin ang karapatan ng iba sapagkat sila rin ay kagaya ng iyong sarili na may karapatan sa lahat ng bagay.Kung ang bawat isa ay nirerespeto at igagalang ang karapatan ng ibang tao ay magkakaroon tayo ng mapayapang pamayanan.5.Tumulong sa nangangailangan.
Ang isang mabuting mamamayan ay marunong tumulong sa nangangailangan.Tumulong tayo kahit sa maliit na paraan dahil para sa iyong tinulungan ay napakalaki na ng halaga nito,ngunit maging matalino sa pagtulong.
Iyong ang Ilan sa mga paraan na dapat gawin upang maging mabuting mamamayan ka,ngayon ay lam mo na.Gawin mo ito at natatamo mo ang pagiging mabuting mamamayan.
Paul Christian Lingues Grade 11-St.Philip(STEM)