Limang Paraan Upang Maging Mabuting Mamamayan
Ang pagiging isang mabuting mamamayan ay isang magandang katangian na dapat taglayin ng lahat ng mga tao.Napakahalaga ng pagiging mabuti bilang isang mamamayan upang mapabuti at makapamuhay ka ng naayon sa iyong kagustuhan.Ang mabuting mamamayan ay aktibong nakikibahagi sa kanilang pamayanan upang mapagbuti ang mga kondisyon ng kanilang kapwa mamamayan. Ngunit sa isang pamayanan ay mayroon pa ring mga tao na hindi sumusunod sa mga dapat gawin sa isang pamayanan lalo na yong mga walang alam sa kahalagahan ng pagiging mabuting mamamayan.Narito ang Limang Paraan Upang Maging Mabuting Mamamayan. 1 . Sumunod sa batas. Upang maging mabuting mamamayan ay kailangan mating sumunod sa mga batas dahil ito'y para sa ating kapakanan at kaligtasan.Ginawa ang batas Upang maging payapa ang ating pamayanan kaya tungkulin nating sundin ito.Pinipigilan ng batas na abusuhin ang ating mga karapatan.Sinisiguro into na ligtas tayong maninirahan nang walang takot at patuloy natin...